Sa kaniyang teorya, inilahad ni Peter Newmark (1988) ang mga paraang maaaring gamitin ng isang tagapagsalin upang maging mabunga at matagumpay ang kaniyang pagsasalin.
1) Pagsasaling Salita-sa-Salita (One-on-one Translation)
Tinatawag din itong literang na salin.
- Pranses: Un beau jardin
- Ingles: A beautiful garden
- Filipino: Isang magandang hardin
2) Naturalisasyon (Naturalisation)
May pagkakahawig sa transference ngunit dito ay inaadap muna ang normal na pagbigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika
- Coup d’etat – kudeta
- Television –telebisyon
3) Leksikal na kasingkahulugan (Lexical Synonymy)
Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng pinagmulang wika
- ‘old’ house – ‘lumang’ bahay
- ‘old’ man – ‘matandang’ lalaki
4) Kultural na Katumbas (Cultural Equivalent)
Itinuturing itong malapit o halos wastong salin (approximate translation)
- American – coffee break
- English – tea break
- Filipino – meriyenda
5) Adaptasyon o Panghihiram (Transference)
Ang ibang katumbas nito ay adoption, transcription, o loan words (salitang hiram) na ibig sabihin ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa simulaang wika patungo sa tunguhang wika
- Italian: pizza – English: hotdog
- Filipino: pizza – Filipino: hotdog
6) Malaya (Free Translation)
Ayon kina Almario, et al (2009) ito ay “malaya at walang kontrol at parang hindi na isang salin”
- Ingles: Tone down your voice.
- Filipino: Hinaan mo ang iyong boses.
7) Idyomatiko
Ayon kay Almario (2009) kung ang pahayag ay idyomatiko, marapat na tumbasan din ito ng pahayag na idyomatiko
- Ingles: Head of the family
- Filipino: Haligi ng tahanan