Pagpapakilala

Kami ay mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Senior High School ng Dole Philippines School. Ang Diwanag ay tugon sa pangangailangan ng aming asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino sa ilalim ng pagtuturo ni Bb. Vina Ong. Layon nito na mapaibayo ang aming pagkatutong pangwika sa pamamagitan ng intergrasyon ng makabagong teknolohiya sa mga lunsarang pampagkatuto at maipahayag ang aming mga nilikha sa wikang Filipino. Ito ay itinuturing na makabuluhang instrumento ng paghahatid at/o pagpagbabahagi ng kaalaman at pagkatutong aming nakamit sa bawat aralin. Tampok sa blog na ito ang aming mga ulat, sulatin, at iba pang kaugnay na patunay ng pagkatuto.

Maligayang Pagbabasa!

Sa Waiting Shed

Sa Waiting Shed ni Hannah Gabuya

Nakatayo akong may ngiti sa labi noong umagang iyon
Habang naghihintay sa waiting shed sa pagdating ng bus.
Kasing ganda ng sikat ng araw ang gising ko
Kaya may motibasyon na pumunta sa paaralan.

Hindi gaya ng normal na mga araw,
Ang araw na ‘yon ay tila kakaiba.
Hindi ko mawari kung naghahanda sa mangyayaring maganda
O sadyang nakatadhana lang na ako’y maging masigla. Continue reading “Sa Waiting Shed”

Pang-abay

Pang-abay. (Adverb)
 – salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa pang-abay

  • isang uri ng panuring

URI NG PANG-ABAY

1. Pamanahonnagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

  1. May pananda
    Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
  2. Walang pananda
    – Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
  3. Nagsasaad ng dalas
    Araw-araw, tuwing umaga, taun-taon

Continue reading “Pang-abay”

Pang-uri

Pang-uri. (Adjective)
salitang naglalarawan; nagbibigay turing
sa mga pangngalan o panghalip.

– isang uri ng panuring

KAYARIAN

  • Payak
    ito ay may mga likas na salita at walang

    – Halimbawa:
    buhay     payat     pula     itim

  • Maylapi
    – ito ay binubuo ng mga salitang
    ginagamitan ng mga panlaping magkauri
    – Halimbawa:
    kasama                mapayat
    mabuhangin              iyakin
  • Inuulit
    ito ay maaaring payak na inuulit at may unlaping ka-, ma-, o may-.

Continue reading “Pang-uri”

Pokus ng Pandiwa

Pandiwa

  • Ang pandiwaay salitang nagsasaad ng kilos.
  • Ito rin ay nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita.

POKUS NG PANDIWA

  • Ito ang relasyon ng pandiwa ng berbal na panaguri sa kanyang paksa o simuno.

 

  1. Pokus sa Aktor o Tagaganap
  • Ang paksa ay ang tagaganap ng kilos
  • Sumasagot sa tanong na “sino?”.
  • Ang pandiwa ay may mga panlaping (mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
  • Halimbawa
  • Tumula ng isang madamdaming piyesa si Francesca.
  • Ang ating mga bayani ay nagbuwis ng buhay para sa ating bayan.

Continue reading “Pokus ng Pandiwa”

Tatlong Aspekto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos. Ito rin ay nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita.

Tatlong Aspekto ng Pandiwa

1. Perpektibo (Pangnagdaan) o aspektong nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.

  • Halimbawa:

sumulat                      naglaba

2. Imperpektibo (Pangkasalukuyan) o aspektong nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.

  • Halimbawa:

sumusulat                      naglalaba

3. Kontemplatibo (Panghinaharap) o aspektong nagsasaad na ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.

  • Halimbawa:

susulat                      maglalaba

Kakayahang Lingguwistik

Napaigting ang kaalaman ang nagsasalita nito sa mga pormal sa tuntunin sa gramatika ng wikang kanyang ginagamit.

Ano ang kakayahang lingguwistik sa Filipino?

-Tumutukoy ito sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng pangungusap. Continue reading “Kakayahang Lingguwistik”

Bahagi ng Pananalita

Mayroong dalawang bahagi ng pananalita ang PAG-UGNAY at PANANDA

I. PAG-UGNAY

A. PANGATNIG

– Ito ang mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,parirala o sugnay.

  • Halimbawa:
  • at, pati, ni, subalit, ngunit, dahil, sapagkat, datapwat, bagaman, habang

Continue reading “Bahagi ng Pananalita”

Araw at Buwan

Araw at Buwan ni Nazrene Leysa

Ikaw at ako ang Araw at ang Buwan,
Naghihintay ng isang duyog.
Malayo tayo sa isa’t isa,
Ngunit malapit ang puso nating durog.

Tumitingala lang ang mga tao,
Sa kagandahan ng ating sikat at ilaw.
Akala nila’y tayo’y masaya,
Subalit labas lang ang kanilang natatanaw.

Continue reading “Araw at Buwan”

Mga Diptonggo, Digrapo, at Klaster

I. Diptonggo

  • Ang diptonggo ay ang tunog na nabubuo sa pagsasama ng alin man sa limang patinig at ng mga malapatinig na w o y.
  • Ang diptonggo ay alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa isang pantig ng salita.
  • Ang /ew/, /ow/, at /uw/ay mga diptonggo subalit walang salita sa Filipino na may tunog na ganito.
    •  aliw (a-liw)  Ang diptonggo ay ang tunog na /iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na liw.
    •  sampay (sam-pay) ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay.
  • TANDAAN:
    • Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, o uy kapag nahihiwalay ang dalawang titik sa pagpapantig.

Continue reading “Mga Diptonggo, Digrapo, at Klaster”