Sa Waiting Shed

Sa Waiting Shed ni Hannah Gabuya

Nakatayo akong may ngiti sa labi noong umagang iyon
Habang naghihintay sa waiting shed sa pagdating ng bus.
Kasing ganda ng sikat ng araw ang gising ko
Kaya may motibasyon na pumunta sa paaralan.

Hindi gaya ng normal na mga araw,
Ang araw na ‘yon ay tila kakaiba.
Hindi ko mawari kung naghahanda sa mangyayaring maganda
O sadyang nakatadhana lang na ako’y maging masigla.

Sobrang init na ng sikat ng araw sa kalsada,
Ngunit ang bus na hinihintay ay ‘di ko pa nakikita.
Tagaktak na ang pawis kakatayo,
Puno ng pasensiyang naghihintay sa may tabi.

Ilang sandali pa naghintay akong muli,
Ayos lang, nakasanayan ko na.
Tumunog ang cellphone na hawak-hawak ko,
May mensaheng nagsasabing ang bus ay nagkaproblema.

Nang malaman kong ang bus ay ‘di na darating pa,
Ngiti ko’y nawalan ng sigla at pag-asa.
Lahat ng paghahanda at pananabik,
Wala nang saysay dahil ako’y pinaasa.

Para iyong alaala na sumagi muli sa aking isip
Noong panahong sayo’y sabik na sabik na naghihintay
Lumulundag ang puso sa kilig,
Mga paru-paro sa aking tiya’y hindi mapakali.

Isa iyong napakagandang araw para sa akin,
Gumising ng maaga at naghanda ng bongga.
Tagaktak ang pawis dulot ng init ng sikat ng araw,
Ngunit ayos lang kung ang liwanag na ‘yon ay may dalang pag-asa.

Bakit mo pinatay ang liwanag na iyon at naging paasa?
Naghintay ako nang napakatagal dahil iyon ang sabi mo.
Oo nga’t ako’y nag-abang subalit hindi ka dumating
Nagmukha tuloy akong tanga, ako’y iyong pinaasa.

Nakatanggap muli ako ng mensahe na ang bus ay parating na.
Hindi ako nasiyahan sa magandang balita,
Sa halip ay hiniling na sana tuluyan na itong hindi dumating
Dahil wala na, ang pag-asang pinaghawakan ko ay naglaho na.

Kagaya ng bus, sinabi mo na dadating ka
Noong ako’y paalis na, kung kailan magmo-move on na,
Saka ka naman magpaparamdam at magmamakaawa
Kaya nahihirapang umusad itong puso at umalis sa kinatatayuan.

Nasa harapan ko na pala ang bus na aking hinihintay
Hindi nasayang ang paghihintay ko, natagalan lang ito.
Kaya hinakbang ko ang aking mga paa patungo sa bus
Kagaya ng pagbibigay ko ng pangalawang pagkakataon sa’yo.

 

© 2016 Hannah Gabuya

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s